Aminin na natin, hindi lahat ng botante ay may oras, tiyaga, at talino para suriin ang background ng bawat kandidato. Hindi rin marami ang may kakayanang umintindi sa kung anuman ang totoong ibig sabihin ng mga nakalista sa plataporma nila...kung meron man.
Bagama't hindi perpekto, pare-parehong may magagandang qualification ang mga tumatakbo. Kung pagbabasehan ang mga patalastas, lahat sila may pangarap, plano, at magandang hangarin para sa bansa. Dalawa lang ang problema, hindi naman lahat ng binibitiwang pangako e totoo; at hindi lahat ng totoong pangako e kayang tuparin. Maging ang inaasahan nating matinong basehan dati sa pagpili ng iboboto--ang debate--e hindi rin pala mapanghahawakan, sabi ng ilang political analyst sa TV kelan lang. Oo nga naman, dahil pwedeng madehado ang mga kandidatong mas magagaling na leader pero mahina sa talakayan.
Kung hindi maaasahan ang aktibong personalidad ng mga kandidato sa kasalukuyan, o ang mga magaganda nilang hangarin sa hinaharap, walang natitirang basehan kundi kung ano ang mga napatunayan na nila sa nakaraan. Tutal sabi nga, history repeats itself.
Hindi ako gaanong umaasa sa mga taong "malinis". Kasi "power corrupts". Karaniwan na ang mga nag-uumpisa nang "malinis", nagkakatalo lang sa huli kung sino ang may pinakamaraming mabuting nagawa nang may pinakakonting natamong dumi. Ang masipag, nadudumihan. Lalo na ang masipag maglinis.
Hindi ako gaanong umaasa sa mga masyadong "makatao". Siguro importante yon para sa kapitan ng barangay, pero para sa leader ng bansa, maraming pagkakataon na kailangan nyang talikuran ang mga tao para tumingin sa dinadaanan nila. Walang tsuper na nakaharap sa mga pasahero.
Naniniwala akong dapat na mas malaki sa atin ang presidente. Kung kailangang lagi nating naiintindihan ang takbo ng isip nya, kung lagi nating kasundo ang mga galaw nya, kung diskarte din natin ang mga diskarte nya...isa lang sya sa atin, at hindi sya espesyal na tao. Hindi dapat ipagkatiwala sa kanya ang kinubakasan ng lahat kung kaya naman ito gawin ng lahat para sa sarili nila.
Hindi ako gaanong umaasa sa mga nagpapamudmod ng kung anu-anong give away o papremyo, hindi yun ang responsabilidad ng pinuno sa bayan o obligasyon nya sa mga mamamayan. Kayang gawin ng mga pribadong tao ang dole-outs; sa kapasidad ng inihalal na leader, mas malaki, mas pangmatagalan, at mas kongkretong programa ang inaasahan ng bayan.
Hindi ako gaanong umaasa sa kandidatong gumagamit ng mga artista. Walang masama na gawin nya ang lahat ng ligal na kaya nya para manalo sa eleksyon. Pero malalaman mong walang pagbabagong dala ang kandidatong nagtuturo sa mga mamamayang bumoto base sa dami at bigat ng mga artistang nag-e-endorso sa kanya. Maaaring magaling ang kandidatong yon, maaaring masipag, maaaring mabait...pero hindi sya ang uri ng pinuno na magdadala ng pagbabago.
Ayos lang ang pag-endorso ng sikat at respetadong tao. Makakatulong yon sa kandidato. Pero ang paggamit ng santambak na artista sa pangangampanya ay insulto sa talino ng mga mamamayan.
Kung paano itrato ng kandidato ang mga botante, kung paano nya kinukuha ang boto ng tao, kung anong klaseng mga boto ang iniipon nya para maluklok sya sa pwesto, yun ang tingin nya sa Pilipino. At yun ang lideratong ibibigay nya sa Pilipinas.
Hindi gaanong "winnable" ang kandidatong puro pagpapaliwanag kung anong klaseng pinuno ang dapat piliin ng mga tao, pero maganda ang hangarin nyang itaas ang moral at kamalayan ng mga mamamayan; at hinahangaan ko ang respeto nya sa kapangyarihan ng eleksyon at sa kakayanan ng mga botanteng mag-isip at pumili nang tama.
Kung pag-aaralan ang kasaysayan ng mga pinakamagagaling at epektibong leader ng mundo, makikitang malayo pa ang panuntunan na ginagamit ng mga Pilipino.
. . .
"If you always do what you always did, you'll always get what you always got." - Sabi ng naglalako ng taho kaninang umaga
(This political ad is paid by the friends and supporters of Eddie Gil and Ellie Pamatong.)  | Saludo ako sayo Bob, Pagpatuloy mo ang pangangampanya sa Bansa na may simpleng plataporma "Maging wise-voter tayo ngayong 2010! Este... tuwing eleksyon!" Habang nakataas ang kamao at may nakasabit sa leeg na banner na may nakasulat "Yung bagong Libro ko this May na po ang release, pakyawin nyo tulad ng dati." Hehe |
Comment deleted at the request of the author.
 | Nako kelangang talaga natin ng maayos na lider habang di pa huli ang lahat. |
 | ladybarizta wrote on Feb 16, '10, edited on Feb 16, '10 reblog on tumblr thanks.. lagay ko din credits sir |
 | nanette espinosa for senator!hehehe,mangampanya ba sa site ni bossing,baka lang makalusot.. |
 | sir bob gling tlga. Tama. The filipinos deserve a better leader now esp. after (2) faulty presidents. hahahahaha. sir bob ong, kelan po ba lalabas ang bago mong libro? |
 | Sa blog na ito nailarawan mo ang tunay na sintimyento ng BOBOtanteng Filipino. Mabuhay ka Bob. Sana ikaw na lang Presidenti namin! Maraming kabataan ang BOBOto sa iyo! |
 | asteg...natawa ako sa pinakahuli hahahaha bigla ko tuloy naalala si Elie Pamatong nang sabihan niya ng "Mga magnanakaw kayo!" ang mga taga-Comelec.hahahah
mabuhay kayo sir bob! mabuhay ang noypi at ang pinas! hwoohoo naniniwala pa rin ako sa isang magandang bukas para sa pilipinas yeah
link ko lang po sa blog ko 'tong post niyo...asteg :D |
 | ano pong kinalaman nina Eddie Gil and Ellie Pamatong dito? idk eh, pls. any one help? |
 | I wonder, sinong iboboto ni Bob Ong? |
 | kahit ano sabihin mo, iisa lang bilang ng boto mo, :p |
 | Galing mo po,. pwede po ba baguhin nyo kulay... sakit sa mata magbasa e. |
 | tama... talagang kailangang maging firm ang presidente sa desisyon para maging mas epektibo siya... dahil ang pinoy eh gusto lagi ng convenience... ayaw ng nahihirapan pero pag reaping time na e 'yung mga natutulog sa kangkungan ang mahilig makipag-unahan at sa oras ng hirap eh nakikipag-unahan din silang magtipon at sumigaw sa kalye na hindi man lang naiisip kung ano na nga ba'ng nagawa nila para mapagaan ang buhay hindi na ng bansa kung hindi ng pamilya man lang nila. un lang. |
 | post ko po tong link sa fb ha?:D asteeeg!! yeheeess!!iBOBoto kita!:D |
 | Galing! Mabasa sana ng lahat ito! :) |
 | panu ba yan? god bless the pilipinas na lang.. |
 | tama ka dun sir! nakakainsulto sa talino ng mga pilipino ang pag gamit ng mga artista!! |
 | ang sosyal ng taho vendor..katropa siguro yun ni Inday.. |
 | .galing mu pO tlaga,.
.dOn't u like sEn. nOynOy aQuinO?
|
 | PERMISSION TO SHARE TO OTHERS. IM PRINTING IT OUT TO GIVE AWAY TO ALL REGISTERED VOTERS I KNOW, TO HELP THEM MAKE THE RIGHT CHOICE. THANKS. |
 | you guys talk too much, more ACTION than WORDS I suggest you make noise, work it out.
" LET YOUR ACTIONS DO THE TALKING " good luck I will be watching you |
 | me point ka jan.., bakit kc tuwing botohan na lng e ang madalas na nagiging batayan e "choose the lesser evil". minsan nga naisip ko na bumoto ng taong kurakot pero kahit papano e me ginawa nman kesa sa taong kurakot lang.pag hindi ka nman kc bumoto, parang wala kang karapatan na mgreklamo.. hirap nman.. first time voter pa nman ako.. |
 | eapt wrote on Mar 12, '10 good make your vote count, choose the younger generation who will understand you better, who is techno adept and who is easily adoptable to the world's 21st century changes |
 | eapt wrote on Mar 17, '10 I do admire you guys making the effort to be heared, why don't you go for the younger candidate. they are technologically adept, well informed with the current issues and trends and are pushing for changes the 21st generation needs |
 | DAPAT DIZ YEAR..MAGING SERYOSO NA ANG MGA BOBOTO..UNA NATRY NA NTIN ANG HOUSEWIFE..SUMUNOD NMN ANG ARTISTA, NAGING WORST ATA ANG PINAS..HEHEH...CGURO DIZ TIME..TRY NATIN UNG GOD FEARING..HU KNOWS..BAKA SHA UNG MAGBALIK NG SIGLA NG EKONOMIYA NG BANSA NATIN..DIBA..2TAL WLA NG MATINONG UUPO SA JAN SA MALACANANG EH..TRY NMN NATIN ANG GOD FEARING NA PRESIDENT..LET'S VOTE FOR EDDIE VILLANUEVA..GO.GO.GO.. |
 | i salute you mr. bob.. more books to come..!! |
 | si bob ong ba toh??? haha ..nakakatawa ...sya nga huh ...baka naman hindi ... |
 | Ang point dito.. Kahit sino iboto niyo kayo pa rin ang gagawa ng buhay niyo.. Kaya nga sinabi niya na "Naniniwala akong dapat na mas malaki sa atin ang presidente. Kung kailangang lagi nating naiintindihan ang takbo ng isip nya, kung lagi nating kasundo ang mga galaw nya, kung diskarte din natin ang mga diskarte nya...isa lang sya sa atin, at hindi sya espesyal na tao. Hindi dapat ipagkatiwala sa kanya ang kinabukasan ng lahat kung kaya naman ito gawin ng lahat para sa sarili nila." |
 | Ginoong Bob Ong, salamat po sa inyong mga aklat. Para po sa inyo:  |
 | kahit sino pa ang manalo, responsibilidad mo ang buhay mo. . . wag kang puro asa, sa halip makiisa ka! (para kay Juan Dela Cruz) |
 | SANA MARAMI PANG TULAD NI BOB ONG NA MINUMULAT ANG TULOG NA KAMALAYAN NATING MGA PILIPINO UPANG SA ATING PAGISING AY MA IMULAT NATIN ANG ATING MGA MATA NA MAY MALINAW NA DIREKSYON. VIVA BOB ONG. |
 | Gordon na to all the way :) |
 | Naka-experience ako ng matindi-tinding epiphany dyan sa mga sinabi mo Bob Ong. Galing mo talaga! Isang buwan lang ang lampas ko sa araw ng botohan kaya hindi pa ako pwedeng bumoto. Pero pag dumating ang araw na boboto na ako, at least naliwanagan ako sa mga sinabi mo Bob. Salamat talaga! |
 | Kay Gordon ako.... siya lang ang katangi-tangi na TRANSPARENT sa Statement of assets and liabilities nya. Noong Ondoy, siya lang ang lumusong sa baha. Noong panahon ng kalamidad, habang yung iba nasa air-conditioned na kwarto at nagpapa-pack ng mga relief goods, si Godron nasa labas at tumutulong.
Sabi ko nga, dalawa anak ko. Gusto ko may maayos na bansa silang kakalakihan. Sisimulan ko yung sa pagboto ng tamang tao.
Hay nako, kapag nanalo si Villar, magmimigrate na kami. |
 | can I quote the manong naglalako ng taho on that? |
 | cya nga nman, cno po b ideal president ni bob? |
 | baka m2lad lng din s diskarte ng yumaong mommy nya lesser evil nga,lesser deeds nman. |
 | san nga po pala nkatira yang magtataho? taga corinthian garden b yan? |
 | Shet ang ganda nito ser bob!
"Kung paano itrato ng kandidato ang mga botante, kung paano nya kinukuha ang boto ng tao, kung anong klaseng mga boto ang iniipon nya para maluklok sya sa pwesto, yun ang tingin nya sa Pilipino. At yun ang lideratong ibibigay nya sa Pilipinas." - TAMA
"Hindi gaanong "winnable" ang kandidatong puro pagpapaliwanag kung anong klaseng pinuno ang dapat piliin ng mga tao, pero maganda ang hangarin nyang itaas ang moral at kamalayan ng mga mamamayan; at hinahangaan ko ang respeto nya sa kapangyarihan ng eleksyon at sa kakayanan ng mga botanteng mag-isip at pumili nang tama." - Kaya sya ang iboboto ko. DICK GORDON!:) |
 | You're Right! One reason why I’m voting for Gordon and Bayani. Because he tells it as it is. You’re not gonna hear sweet words from him, because to be honest with you, there isn’t much. He tells it as it is and how it’s supposed to be. He’s not gonna SYMPATHIZE with you but rather he’ll push you on becoming what you NEED to be and that is what this country needs. |
 | "Hindi gaanong "winnable" ang kandidatong puro pagpapaliwanag kung anong klaseng pinuno ang dapat piliin ng mga tao, pero maganda ang hangarin nyang itaas ang moral at kamalayan ng mga mamamayan; at hinahangaan ko ang respeto nya sa kapangyarihan ng eleksyon at sa kakayanan ng mga botanteng mag-isip at pumili nang tama."
SAPUL!!! |
 | yeah i really prefer a disciplinarian like gordon d cya masalitang tao,hes more than an action man.panahon n para baguhin at gisingin ang kamalayan ng kulelat n pilipino. |
 | isang magandang paliwanag kung bakit si Gordon at Bayani ang dapat nating iboto. |
 | well as we can see mga ngwa nila gordon/bayani d lng s kinalakhang bayan o balwarte nila pti buong lungsod pinaganda nila,mga dapat n ginawa ng mga lumipas na kurap n pamunuan n pagpapayaman lng sa sarili nila ang inuna imbes n sa kapakanan dapat ng bansa,kung palalampasin ntin ang pagkakataong ito,well......same ol same old pinoy p din tyo,kawawang pinoy.hayyy naku!
|
 | Sagrado ang boto ko. Hindi kayang tumbasan ng salapi, hindi kayang diktahan ng survey. Kaya kay Dick Gordon ang boto ko.
|
 | Napakagaling na diskurso Bob! Saludo ako sa iyo... |
 | Kakayahan. Karanasan. Kontra Kahirapan. Kay Manny Villar po tayo! |
 | "Walang tsuper na nakaharap sa mga pasahero."
TAMA. ;) |
 | di ko alam.. nakakatakot magluklok.. panu ba yan. nakakatrauma ang uri ng liderato sa bansa.. minsan hindi rin ako nanghihinayang na iblanko ang kung sino ang iboboto ko. Kahit sabihin nilang malaking karapatan ko ito. parang walang kinabukasan kasi marami ka ring opinion na nagpapabago ng pangalan na dapat iboto. Napapasagot tuloy ako sa blog mo "bahala na si batman"
napapatagalog ako. asteeg
pero magaling ang linyang nabanggit mo "Ang masipag, nadudumihan. Lalo na ang masipag maglinis." Eto ang tatandaan ko bago bumoto...
Salamat Po :) |
 | Kakaturn off si Villar. Pati nanay nya, asa TV. Desperate move. |
 | slixx wrote on Apr 29, '10 woot saludo aq sa magtataho~ great words of wisdom!!! |
 | grabe katurn off c man-evil-liar... |
 | awww..i miss reading bob's books..the last one i read was the one with pens on the cover..nakalimutan ko title..anyway love the line "walang tsuper na nakatingin sa pasahero" |
 | nyahahahahaha! astig ka talaga bob ong! idol! :)) pano kaya ako magiging tulad mo |
Comment deleted at the request of the author.
 | takbo na tayo .. hahaha nu conect ? i love bob ong books ... |
 | correct ka jan bob ong,,ipagpatuloy mo yan |
| |