Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntryApr 16, '10 10:22 PM
for everyone
2010/4/14 Erning Labra <ernslab@hotmail.com>:
> Hello, Boss!
>
> May ikokonsulta po ako. Tungkol sa pag-ibig. Paano po ba kung
> yung taong gusto mo ayaw naman sayo... pero araw-araw mo siyang
> kasama sa trabaho? Akala mo, OK ka lang, kaya mo. Pero mahirap
> pala, kasi andyan siya lagi. Parang laging pinamumukha sayo na, ha-ha,
> hindi ka sapat, may kulang sayo, ha-ha. Paano po ba yun?
>
> Salamat po.



May dalawa akong sagot--isang gago, isang seryoso.

Gagong sagot:
1.  Buhusan mo sya ng pagmamahal tulad ng ginagawa ng mga mayamang DOM sa mga laos nang teen star.  Kung hindi epektib, proceed to step two.
2.  Palipatin mo sya ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step three.
3.  Lipat ka ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step four.
4.  Ayawan mo sya.  Ako, madaling ma-turn off sa ayaw sa akin.  Ibig sabihin nun pangit panlasa nya.  Sabihin mo sa sarili mo araw-araw sa salamin paggising sa umaga: "Shit!  Ikaw, aayawan nya?  Anong klaseng tao sya???"  Basta pagkatapos ng "shit" dapat MAY exclamation point, hindi pwedeng diretso o walang punctuation.  Abangan mo ilang araw lang, ayaw mo na rin sya.  At mapapansin mo nang hindi pala pantay-pantay ngipin nya, labas ang mga buhok nya sa ilong, masyadong maliit yung kaliwa nyang boob, masyado syang madalas at malakas umutot, at meron syang "ep" at "fi" defect.  (Pacebook Fropile.)

Pero paalala, hindi ko pa nasubukan ang payong ito dahil wala pa kong nagustuhang babae na ayaw sakin.

(...marami na pala, pero may ilang araw na ang lumipas kaya hindi na counted yun.)


Seryosong sagot:
Hanapin mo yung taong pinanggagalingan ng sinasabi nilang "Love Quotes ni Bob Ong"...parang masyadong maraming alam sa love yon, pati tenga naisip nyang pagdikitin para maging puso, baka sya makatulong sayo.


---


[Paalala:  Una at huling beses na sasagot si BO ng lab prablem.  Ang mga susunod na isasangguning problema ipo-forward na ni BO kay Ben Tulfo.]

41 CommentsChronological   Reverse   Threaded
alme20 wrote on Apr 17, '10, edited on Apr 17, '10
haha astig! sana gawa ka na lang ng blog pag wala ka magawa.. pero dapat may libro pa rin!

pa-share po sa facebook. :D
sweetpeachelie wrote on Apr 17, '10
winner po talaga kayo!
cleowdee wrote on Apr 17, '10
Nice one! Ang galing talaga nyo po talaga :) Hehehe.
xintax wrote on Apr 18, '10
clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap clap!!!!
selenedr wrote on Apr 18, '10
LOL. You're not a bad love adviser though, I'll try your step 4 sa pang gagong sagot sice mukha naman syang gao, wahahaha
kyawkyawan wrote on Apr 18, '10
LOL, nice advice =)
jamildizon wrote on Apr 18, '10
ang Lupet nun ah...hahahaha!!!!...kakawala ng stress!!!
angelphaze wrote on Apr 18, '10
I love the Seryosong Sagot...SIno ba kasi talaga sumulat ng mga Love Quotes ni Bob Ong..hehe...masyado naman kasing vague yung mga nagkalat na bob ong quotes, halatang hindi na si bob ong ang sumulat.
nobodycan wrote on Apr 18, '10
Haha! Kala ko may love advices column na rin kayo tulad ni Ramon Bautista sa Tumblr niya eh!
etceterah wrote on Apr 18, '10
nainlove nako kay bob. Tsk. Asan ka ba? Haha
dudaymatakaw wrote on Apr 18, '10
galing mo talaga... you always have the right words to say... inaadmire kita.
karenkeng01 wrote on Apr 18, '10
cool! =)
roseveltalejo wrote on Apr 18, '10
me plus you one time
heyheyjorge wrote on Apr 18, '10
panalo!
jen0509 wrote on Apr 18, '10
galing mu,,ang ibig sabihin tinuruan mu yung tao na hanapin kung sino talaga gumawa ng kowt na nabanggit,,wahahaha,,!!bakit nya kaya naisipan na ilagay yung name ni bob ong sa dulo ng kowt,,wahahah!!
mgl1103 wrote on Apr 19, '10
WINNER!
ladybarizta wrote on Apr 19, '10
hahahahahha naks naman boss share huh :P
wannabhie wrote on Apr 19, '10
ahaha! nice bob =)
pagadaulagada8 wrote on Apr 19, '10
HAHA!
julay17 wrote on Apr 23, '10
waaah..i so love it:))
lhan410 wrote on Apr 29, '10
ok po 2..
norisam11 wrote on Apr 29, '10
hahah.. love it..
waitinghour wrote on May 1, '10
hahahahahaha....grabe,di ako maka-recover.....hahahaha....Bob ong help!.......hahahahahaha...lol....wala kaong masabe....hahahaha...lol
christinthecity wrote on May 6, '10
haha.. tawa lang :) namiss ko yung mga ganyang quotes :).. quotes po ba yan ? hehe
angellica9 wrote on May 10, '10
nice! :D
sciatzy02 wrote on May 11, '10
haha.. love it.. miss you...
winx666 wrote on May 12, '10
astig naman nito. HAHA. :)
pauh23 wrote on May 15, '10
love it suuuuu much !
enahrye wrote on May 29, '10
Nuknukan ka ng Talino Boss Bob! - Pa share po...
phatbuu wrote on Jun 5, '10
bwahahaha! PANALO!!! taas mga kamay c0h senio!! MAESTRO! ;p
marchoctober03 wrote on Jun 21, '10
cool.. astig.. jan ako bilib kahit hindi kita makita.. ayos nayon bibili na lang ako ng libro kahit papano dun makikilala kita.:)
sonofpriam wrote on Jun 22, '10
nag email ako kay ben tulfo ng love problem ko pero ang sabi, i-forward ko raw kay mon tulfo.
sandee5254 wrote on Jul 8, '10
Ayun o! Swak na swak!!! Thanks! hehehe!
rhyannefranz wrote on Aug 7, '10
idolo ka talaga IDOL. sana mabahaginan mo kami ng mga tips and tricks mo para masaya. wala lang may macomment lang po.
chaipanget wrote on Sep 11, '10
galing,.
bibiik21 wrote on Nov 16, '10
parepareho na cla ng comment bo..
pra maiba nman..

bo, i miss you..hahahaha..^_^
paragasdindo wrote on Nov 19, '10
ha ha ha, he he he??? laos ng tawa yn!!!!!!!!! jejeje nlng ska jajajajaja... wahhahahaha....hahaha ngha ha ha din ako?
muntik nq mgvaginal lock este maglockjaw sa kkakkakka kakak akkaaka kkkkaaakk aaaaah panga ko!!!!
jejejeje
halleymizashi wrote on Dec 25, '10
hahhaha. the best!!!!
ritchellearesco wrote on Feb 12, '11
ahaha,,...out na ba sa market ang bagong book?!,,..
hearo08 wrote on Aug 5, '11
bob..!!
ssicajessingot2691 wrote on Feb 11
di pala si BO yung nag gagawa ng mga love qoutes nia. haha.
Add a Comment